Manila, Philippines – Inakusahan ng ilang mga konserbatibong Katolikong Iskolar at mga miyembro ng clergy si Pope Francis ng heresy o pagpapakalat ng maling pananaw o posisyon na taliwas sa turo ng simbahang Katoliko.
Sa reklamo, inakusahan si Pope Francis ng pagsusulong ng mga maling pananaw gaya ng posisyon nito na bigyan ng Holy Communion ang mga diborsiyado at mga muling ikinasal na mga Katoliko.
Mula nang mahalal na Santo Papa, naging sentro ng panunungkulan nito ang pagpapatupad ng malawakang reporma sa Simbahang Katolika.
Ito ang kauna-unahang reklamo ng heresy laban sa Santo Papa simula pa noong 1333.
Facebook Comments