Santo Papa, nagtalaga na ng bagong Arsobispo ng Maynila

May bago nang arsobispo ang Maynila.

Sa official social media accounts ng The Manila Cathedral, inanunsyo nito ang naging pagtatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Jose Fuerte Advincula bilang pinakabagong Arsobispo ng Maynila.

Ayon sa The Manila Cathedral, isinapubliko ang appointment ni Cardinal Advincula mula sa Roma alas-dose ng tanghali, oras sa Roma o alas-siyete ng gabi oras dito sa Pilipinas.


Si Cardinal Advincula ang ika-33 Arsobispo ng Maynila.

Papalit siya sa binakanteng puwesto ni Luis Antonio Cardinal Tagle na ngayon ay nakabase na sa Roma bilang miyembro ng Administration of the Patrimony of the Holy See.

Mahigit isang taon na naging bakante ang posisyon para sa Arsobispo ng Maynila matapos lumipad patungong Roma si Cardinal Tagle noong February 2020.

Facebook Comments