Santolan-Recto operation ng LRT-2, ibinalik na ngayong araw

Binuksan na muli ngayong araw ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang Santolan, Katipunan at Anonas stations.

Ito ay matapos ang higit isang taong pagkakasara dahil sa pagkasunog ng power rectifiers sa Katipunan at Anonas.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator General Reynaldo Berroya, nagsagawa ng mga kinakailangang test para matiyak ang stability at reliability ng provisional power supply para sa pagbubukas ng tatlong istasyon para sa mga pasahero.


Ayon kay Berroya, mayroon pa ring limitations at restrictions habang isinasa-ayos pa rin ang nasirang Rectifier Substation 5 at 6.

Isinasa-ayos din ang signaling at telecommunications ng linya ng tren.

Umapela ang LRTA sa mga pasahero na maglaan ng time allowance sa kanilang biyahe dahil inaasahang aabot ng hanggang 15 minuto ang headway o pagitan ng pagdating ng mga tren.

Ipinapaalala rin sa mga pasahero na sundin pa rin ang health protocols ngayong may pandemya.

Sa ngayon, limitado sa 30 kilometers per hour ang speed limit kapag dumating ang mga tren sa Anonas Station.

Facebook Comments