Iginiit ng Malacañang na dapat ibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ikalawang tranche ng cash subsidy sa lahat ng 18 milyong benepisyaryo.
Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ng DSWD na bumaba sa 14.1 million ang mga makakatanggap ng ayuda dahil tinanggal na rito ang mga duplicate at unqualified beneficiaries.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakamandato ito sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.
Kailangang punuin ng DSWD ang mga slot kahit maghanap sila ng mga bago at kwalipikadong benepisyaryo.
Pagtitiyak ni Roque sa publiko na i-aanunsyo nila kung ano ang magiging desisyon ng DSWD hinggil dito.
Nabatid na natuklasan ng DSWD ang nasa 675,933 duplicate beneficiaries, 239,859 unqualified at 58,725 na boluntaryong nagbalik ng cash aid.