Arestado ang isang magsasaka at sinasabing Social Amelioration Program beneficiary matapos maaktuhang may nakasukbit na baril sa kanyang tagiliran habang nasa venue ng Payout sa bahagi ng Sandakan Sultan Kudarat Maguindanao.
Sa report mula PNP, kinilala ang naaresto na si Gome Sagaran Matalam, 45 year old, residente ng Sitio Diyati Brgy Raguisi ng nasabing bayan.
Sinasabing nagsasagawa ng security coverage ang mga elemento ng PNP sa Compound ng Sandakan Elementary School kasabay ng Payout ng SAP pasado alas 9 ng umaga, ng mapansin ang nooy umaaligid aligid na si Matalam.
Nakumpiska sa kanya ang isang unit ng EDGE STI Caliber 45 pistol na may limang bala na walang dokumento.
Kasalukuyang himas rehas na si Matalam at nahaharapa na sa kaukulang kaso.
Pinasalamatan naman ni PD Arnold Santiago ang pagiging mapagmatyag ng kapulisan nito at naiwasan ang di kanais nais na pangyayari sa venue ng SAP Payout.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
SAP beneficiary arestado matapos magdala ng baril sa venue ng Payout
Facebook Comments