SAP beneficiary na nagpapapirma ng form, binaril ng barangay captain

2089

Arestado ang isang punong barangay sa Albuera, Leyte matapos barilin ang residenteng nagpapapirma lamang ng social amelioration form noong Huwebes, Mayo 7.

Kinilala ang suspek na si Andres Celedio Cruz, kapitan ng Barangay Sherwood.


Ayon sa mga saksi, bigla raw binaril ng opisyal ang biktimang si Paulito Pato-nog sa harap mismo ng iba pang benepisyaryo ng SAP na nagpapalagda rin.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Narekober ng pulisya kay Cruz ang isang .45 caliber pistol.

Pero depensa ng barangay chairman, dinepensahan niya lamang ang sarili sa masamang balak ni Pato-nog.

Hindi naman matanggap ng naulilang pamilya ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima.




“Nasaan ang konsensya niyo? Hindi ka na naawa, pamilyado yang tao! Ang sakit sakit na sa ganiyang paraan pa siya namatay.  Sana mapanagot at mabulok ka sa kulungan!!! #JUSTICE for my Brother,” sabi ng kaanak na si Janice Pato-nog Borinaga sa kaniyang Facbook post.

Nasa kostudiya ngayon ng Albuera Police si Cruz na nahaharap sa kasong murder.

(PHOTO COURTESY OF JANICE PATO-NOG BORINAGA)

Facebook Comments