SAP Bong Go, Hinikayat ng B4BG Isabela Movement na Tumakbo sa 2019 Senatorial Elections!

Cauayan City, Isabela- Malaking suporta ang ibinigay ng Bayan for Bong Go (B4BG) kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go upang hikayatin ito na kumandidato sa pagka-senador sa 2019 senatorial elections na ginanap sa FLDY Coliseum ng Lungsod Cauayan.

Layunin ng mahigit dalawang libong miyembro ng B4BG na kinabibilangan ng mga Mayor, Councilor at Brgy. Officials ng Lalawigan na ipamalas ang kanilang buong suporta kay SAP Bong Go na tumakbo sa posisyong senador dahil malaki umano ang tiwala ng nasabing grupo na malaking tulong ang pagiging malapit ni SAP Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte upang matulungan ang nasa apatnapu’t dalawang libong barangay sa buong kapuluan.

Naniniwala rin ang grupo na malaki ang tulong ni Go para sa mas mabilis na implementasyon sa mga programa at proyekto ng Pangulo lalo pa at pinagkakatiwalaan ito ng Pangulo.


Pinangunahan ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III ang nasabing B4BG Isabela movement kasama ang Founding Chairman nito na si Louvkee Fanlo, Faustino Inno Dy at ng Provincial Barangay Affairs ng Isabela.

Ilan din sa mga naging panauhin sa naturang paglulunsad ay sina DILG Asst. Sec. Ramon Cualoping na nagbigay ng kani-kanilang pahayag at dahilan kaugnay sa kanilang pag-uudyok kay SAP Bong Go na tumakbo sa posisyong pagka-senador.

Facebook Comments