Nagsimula na kahapon ang pamimigay ng Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa lungsod ng Muntintlupa.
Ayon kay Social Service Department o SSD Chief ng Muntinlupa, Analyn Mercado, tinatayang 53,836 na mahihirap na pamilya mula sa siyam na barangay ng lungsod ang makakatanggap ng tig-₱8000.
Ihahatid aniya sa bahay ng SAP beneficiaries o magha-house-to-house ang mga tauhan ng DSWD at SSD upang maibigay ang nasabing ayudang pinansyal.
Ito aniya ay para hindi na sila lumabas ng bahay at masunod paring ng ahensya ang ipinatutupad na social distancing.
Sinabi rin nito na nauna nang nabigyan ng tig-₱8000 ang 880 na mahihirap na pamilya ng Barangay Buli na SAP beneficiaries noong April 19.
Layunin ng SAP na mabigyan ng ayudang pinansayal ang mga low-income at informal workers na lubhang naapektuhan na pagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dunsod ng paglala ng kaso ng COVID-19 sa bansa.