Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na paglaanan ng alokasyon sa panukalang P4.5-trillion budget para sa susunod na taon ang Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Drilon, ito ay para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pilipino at mapigilan ang higit na pagkalugmok sa kahirapan.
Kasabay ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine nitong Marso, ay nagpatupad din ng SAP ang gobyerno kung saan nakapaloob ang ayudang 5,000 hanggang 8,000 pesos sa 18-milyong mahihirap na pamilya sa bansa.
Ibinabala ni Drilon na kung hindi ito itutuloy sa 2021 ay tiyak na lalala ang antas ng kahirapan at masasayang ang ilang taong hakbang ng pamahalaan para ito ay tugunan.
Giit ni Drilon, may mga items sa national budget na pwedeng pagkuhanan ng pondo para sa cash assistance sa mga mahihirap.
Pangunahing tinukoy ni Drilon na maaaring gamiting SAP fund ang nadiskubreng 469 -billion pesos Lump-Sum Appropriations National Expenditure Program.