SAP Recipient, Dinakip Matapos Masamsaman ng mga Baril

79

*Cauayan City, Isabela- *Inaresto ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD matapos masamsaman ng mga baril sa tahanan nito sa Barangay Cabatacan East, Lasam, Cagayan.

Sa pinagsanib na pwersa ng PNP Lasam at 2nd PMFC 3rd Platoon ay isinilbi ang Search Warrant kay Wilfredo Balmartino, 54 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.


Sa ikinasang paghahalughog ay nasamsam mula sa pag-iingat ni Balmartino ang isang (1) unit ng Caliber 38 revolver na may apat (4) na bala, dalawang (2) basyo ng bala, isang (1) belt bag, dalawang (2) unit ng airgun rifle na kinonvert sa Caliber 22.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang mga nakumpiskang baril at bala para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments