Manila, Philippines — Nasa 332 na ang mga evacuee na naitalang may sakit.
Ayon sa Department of Health Region V, inaasahan na nilang lalo pang tataas ang nasabing bilang hangga’t hindi bumabalik sa normal ang bulkang Mayon.
Sa isinagawang Rapid Health Assessment ng DOH-Region V, sinabi ni Dr. Napoleon Arevalo, mula January 14 hanggang January 19 nasa 332 cases na ang kanilang naitala.
Kabilang sa tala ng DOH ang mga sumusunod:
Acute respiratory infection o ubo at sipon na may 169 cases, headache and fever na may 36 cases, wounds na 22 cases, hypertension na nasa 19 cases at musculoskeletal disease na mayroong 15 cases.
Nilinaw naman ng DOH na susuriin pa nilang maigi ang mga datos dahil ang ibang evacuees ay matagal ng nagkasakit bago pa man pumasok sa loob ng evacuation centers.
Tiniyak naman ng mga health officials na sapat ang kanilang mga gamot para sa mga magkakasakit na mga evacuee.