SAPAT ANG PONDO | Sektor ng agrikultura, lubos na napinsala dahil sa aktibidad ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 189 milyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Sa tala ng Dept. of Agriculture, nasa P181 milyon ang pinsala sa bigas, P7 milyon sa mais habang halos kalahating miyong piso sa abaca.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nasa pitumpung porsyento na ng mga palayan sa paligid ng mayon ang napinsala.


Aniya, sapat ang pondo ng kagawaran para ayudahan ang mga apektadong masasaka.

Pero hindi pa aniya nila ito masimulang ipamahagi dahil hindi pa humuhupa ang aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments