SAPAT BA? | Supply at Presyo ng Bangus Alamin!

Matatandaang Mayo 3, 2003 nang unang kinilala ng prestihisyong Guinness Book of World Records ang “Kalutan ed Dalan” ng Dagupan City, dahil narin sa pagkakaroon nito ng longest grill na umabot sa 1,007.56 metro o 3,305.6 talampakan. Dahil dito mas sumigla ang kalakalan sa lungsod pagdating sa industriya ng pagbabangus.

Ang Bangus Festival ay taunang isinasagawa upang mas lalong ipakilala at i-promote ang katangi-taning bangus dagupan. Isa sa nga sa highlight ng nasabing festival ay ang *Kalutan ed Dalan* o ang sabayang pag-iihaw ng mga Dagupeño at turista ng tonitoneladang bangus. Kaya naman sinisuguro ng city government na sapat ang supply upang maipakita ang masiglang industriya ng bangus sa buong mundo.

Sa ngayon ayun kay Ms. Emma Molina ng Dagupan City Agricultural Office na sapat ang suplay dahil narin sa magandang pag-aalaga ng mga may-ari ng palaisdaan. Kaya siniguro ni Ms. Molina na hindi kukulangin ang mga bangus na kakailanganin sa happiest at longest grill sa darating na April 30, 2018 na gaganapin sa kahabaan ng New De Venecia Diversion Road. Sa ngayon nananatili lamang sa P110-130 kada ang kilo ng bangus dagupan sa merkado.


 

Ulat ni Jhon Michael Caranto 

Facebook Comments