SAPAT | Calamity fund ng pamahalaan sapat hanggang matapos ang taon

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na may sapat na pondo pa ang pamahalaan para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ompong at may pondo pa para sa mga susunod pang bagyo ngayong taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, aabot pa sa 15 bilyong pisong calamity fund ang mayroon ang pamahalaan para ngayong taon.

Sinabi ni Roque na maituturing pang sapat ang pondong ito para sa mga inaasahang paparating pang bagyo sa bansa bago matapos ang 2018.


Nakaantabay lang aniya ang pondong ito lalo pa at batay sa pagtaya ng PAGASA ay posibleng hanggang 5 bagyo pa ang posibleng manalasa sa bansa hanggang Disyembre.

Pero nilinaw din naman ni Roque na hindi uubusin ng pamahalaan ang 15 bilyong piso para sa bagyong Ompong dahil 2 bilyon lamang mula rito ang gagamitin ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga nabiktima nito.

Facebook Comments