SAPAT | LTFRB, tiniyak na sapat na ang 45,000 units ng Transport Network Vehicle Service na maaring pumasada

Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sapat ang 45,000 na units ng mga pumapasadang Transport Network Vehicle Service (TNVS) units.

Simula kasi Pebrero 3, ipatutupad na ang bagong memo ng LTFRB na naglilimita sa Grab at Uber na maaaring kumuha ng mga pasahero sa Metro Manila.

Kasalukuyang nasa 125,000 ang kabuuang bilang ng mga nakarehistrong driver ng Grab at Uber.


Pero ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, mataas ang bilang na ito dahil marami na ang mga hindi aktibong driver.

Sinabi pa ni Delgra nakailangan magtakda rin ng supply cap para sa iba pang tnc na papasok sa industriya.

Giit naman ni Brian Cu, country head ng Grab, mas mataas ang demand ng pasahero kaysa sa cap na itinakda ng LTFRB.

Hindi kasi aniya pumapasada araw-araw ang lahat ng TNVS, kaya kakailanganin nila ang hanggang 80,000 na bilang ng grab drivers.

Facebook Comments