Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na sapat ang supply ng bigasa sa bansa.
Ito ay sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado at walang makitang NFA rice sa pamilihan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sapat ang supply ng bigas at patunay dito ang paparating na 325 toneladang bigas.
Sa oras aniya na dumating na ito ay tiyak na bababa ang presyo ng commercial rice sa merkado.
Mayroon pa aniyang hindi pa naaaprubahang importasyon ng 250 libong toneladang bigas.
Matatandaang sinabi ni Roque na tiniyak na aniya ni Secretary to the Cabinet Jun Evasco na under control ang supply ng bigas sa bansa sa kabila ng balita na kapos ang supply NFA rice sa pamilihan.
Facebook Comments