Sapat na armchairs para sa left-handed students pinatitiyak sa Dep Ed

Gumagawa na ng mga plano ang Department of Education para matiyak ang sapat na upuan ng mga estudyante sa mga paaralan sa bansa.

Kung maaalala, pinatitiyak ng senado sa Dep Ed na dapat merong sapat na upuan para sa mga kaliwete o left-handed sa private at public school.

Ayon kay Cirilo Castillo Jr., assistant principal ng Batasan Elementary School ilan sa kanilang estudyante ay nahihirapan dahil kinakailangan pa nilang magrequest para magkaroon ng armchairs para sa mga kaliwete.


Kwento ng grade 9 student na si Krizzha (kaliwete), nagkakabanggaan sila ng kamay ng kanyang katabi kapag sila ay nagsusulat.

Mahirap man pero nasanay na siya sa paggamit ng upuan na hindi angkop sa kanya.
Dahil dito plano ng Dep Ed na ilunsad ang furniture replacement program para sa buong bansa.

Ibig sabihin, hindi na armchairs kundi upuan at lamesa na ang gagamitin sa mga classroom para maging angkop sa kanan o kaliwete man na mag-aaral.

Ayon kay Dep ed spokesperson Usec, Anne Sevilla, sa ngayon meron na halos 700,000 sets na upuan at lamesa para sa 16,000 classrooms.

Target ng Dep Ed na makumpleto na ito sa 47,000 paaralan sa bansa sa pagsapit ng 2025.

Gayunman, sinabi ni Sevilla na nakadepende sa ilalaang budget sa Dep Ed para sa 2019 kung gaano karami ang kanilang mapapagawang lamesa at upuan.

Facebook Comments