SAPAT NA AYUDA, PONDO SA PAGHAGUPIT NG BAGYONG KIKO, TINIYAK NG DSWD FO2

Cauayan City, Isabela- Sinisiguro ng DSWD Field Office II na sapat at nakahanda ang mga standby funds at stockpiles para sa pagtugon sa maaaring epekto ng bagyong Kiko sa rehiyon dos.

Kasunod ito ng inaasahang pagtama ng bagyong Kiko sa hilagang-silangan ng Cagayan bandang hapon ng Biyernes, Setyembre 10, 2021 hanggang Sabado ng umaga, Setyembre 11, 2021.

Sa ngayon, mayroong nakahanda na 20, 152 Family Food Packs, 9, 236 Non-Food Items at ₱5,031,059.68 standby funds ang nasabing ahensya.


Una nang naglabas ng advisory ng “Blue Alert” ang ahensya sa Regional Disaster Management Team, limang (5) Social Welfare and Development Teams, Provincial Operations Offices (POO) at City o Municipal Actions Teams para paghandaan ang posibleng epekto ng Bagyong Bagyong Kiko sa rehiyon.

Nakahanda rin ang mga sasakyang kakailanganin sa pagtugon sa anumang posibleng epekto ng bagyo.

Samantala, nakatutok at nakahanda naman na makipag-ugnayan ang Disaster Response and Management Division sa POOs, MDRRMCs at RDRRMC upang magbigay ng anumang tulong na kanilang kakailanganin.

Nakahanda rin magbigay ng relief augmentation ang DSWD FOII sakaling kailanganin nila ito.

Facebook Comments