SAPAT NA BASEHAN | Tax evasion case vs. Rappler at Maria Ressa, nakitaan ng probable case ng DOJ

Manila, Philippines -Nakitaan ng DOJ ng sapat na basehan para kasuhan sa korte ang Rappler Holdings Inc, presidente nitong si Maria Ressa at accountant na si Noel Baladiang.

Kaugnay ito ng tax evasion case na isinampa ng BIR laban sa naturang respondents dahil sa kabiguan na ideklara sa 2015 tax returns ng RAppler ang kinita nito mula sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa NBM Rappler at sa Omidyar Network.

Sa reklamo ng BIR, bigo ang Rappler na maglahad ng tamang impormasyon sa Annual Income Tax Return at Value Added Tax Returns para sa taong 2015.


Sa resolusyon ni Assistant State Prosecutor Zenamar Caparros, iginiit nito na dapat nakaltasan ng buwis ang kinita ng Rappler mula sa nasabing transaksyon.

Bilang Presidente ng RHC o Rappler, dapat anilang managot si Ressa alinsunod sa Section 254 ng Tax Code.

Ang accountant naman si Baladiang ay pinananagot dahil sa paglabag sa Section 257 ng Tax Code nang kanyang sertipikahan ang financial statements ng Rappler sa kabila ng kabiguan ng korporasyon na ideklara ang kinita nito mula sa PDR.

Ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban sa treasurer ng RHC na si James Bitanga dahil batay sa sertipikasyon ni Ressa, hindi aktibo sa korporasyon si Bitanga at wala itong partisipasyon sa pangangasiwa at operasyon ng Rappler.

Facebook Comments