
Tiniyak ng Malacañang na hindi magkukulang ang suplay ng bigas sa bansa kahit magsimula na ang 60-day import ban sa Setyembre 1.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakahanda ang Department of Agriculture (DA) na bantayan ang presyo at suplay sa mga palengke para matiyak na nasusunod ang itinakdang maximum retail price.
Makikipag-ugnayan din ang DA sa mga magsasaka, millers, at traders para maiwasan ang anumang pananamantala o pagtaas ng presyo.
Dagdag pa ni Castro, linggu-linggo ring susuriin ng ahensya ang galaw ng presyo at suplay ng bigas sa buong bansa.
Nagsimula na rin kasi ang harvest season kaya inaasahan ng gobyerno na sapat ang lokal na produksyon upang mapanatiling matatag ang presyo ng bigas.
Facebook Comments









