Sapat na bilang ng mga pampublikong transportasyon ngayong panahon ng Pasko, tiniyak ng DOTr

Hindi kukulangin ang mga pampublikong sasakyan ngayong panahon ng Pasko.

Ito ay sa harap ng pagdagsa na ng mga pasahero sa iba’t ibang uri ng terminal ng mga pampublikong transportasyon.

Sinabi ni Department of Transportation for Planning Usec. Timothy John Bathan, dinagdagan nila ang mga tauhan sa mga paliparan at mga pantalan sa tulong ng office of transportation security at Philippine Coast Guard.


Sinabi ng opisyal, ito ay upang mabantayang maigi ang kaligtasan ng mga pasahero.

Kailangan aniyang mapanatili ang mataas na antas ng on time performance ng mga flight o higitan pa ang naitalang pinakamataas na naitala noong kasagsagan ng undas na 84%.

Habang sa mga pantalan naman aniya ay nagsasagawa ang Phillipine Coast Guard ng pre departure check upang matiyak na maayos ang mga barko at walang mga bagaheng magiging dahilan ng pagkaantala ng biyahe.

Sa mga bus naman, sinabi ni Bathan na malaking konsiderasyon sa kanila ang kaligtasan ng mga pasahero kaya may isinasagawa rin silang random check sa mga bus upang matiyak na maganda ang kondisyon nito bago bumiyahe.

May random drug test sa mga driver ng bus upang masiguro matiyak na nasa magandang wisyo ang mga ito.

Facebook Comments