Sapat na byahe ng mga barko sa bansa, tiniyak ng PCG

Sapat ang mga barkong naglalayag para magbigay serbisyo sa ating mga kababayan ngayong tapos na ang Semana Santa.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Armand Balilo, bagaman dagsa na ang mga pasaherong bumiyahe palabas ng Metro Manila ay wala namang naging problema sa bilang ng mga barko.

Sabi ni Balilo, maaga kasi itong napaghandaan ng mga shipping company at maging ang pamunuan ng pantalan.


Anya, hindi na rin kinailangan maglabas ng special permit dahil sapat pa ang bilang ng mga bumi-byaheng barko.

Facebook Comments