Manila, Philippines – Hindi makakapagpiyansa ang inarestong National Democratic Front (NDF) Peace Consultant na si Rafael Baylosis at kasamang si Roque Guillermo para sa kasong illegal possession of explosives.
120,000 pesos ang inirekomendang piyansa para sa kaso nilang illegal possession of firearms.
Ayon sa piskal, alinsunod sa proseso ang pag-aresto kay Baylosis at Guillermo.
May sapat ding ebidensya para litisin sila.
Pero giit ng kampo ni Baylosis, ilegal, walang batayan at paglabag sa karapatang pantao ang pag-aresto.
Anila, walang arrest warrant nang dakpin si Baylosis at tinaniman pa ng granada para maging non-bailable ang kaso.
Una nang itinanggi ng PNP na nagtanim ng ebidensya ang mga umaresto kina Baylosis at Guillermo.
Facebook Comments