Siniguro ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na family food packs para sa mga maapektuhan ng Supertyphoon Mawar.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez na mayroon nang 689,000 family food packs na may katumbas na halagang kalahating milyong piso ang naka-preposition sa buong bansa.
Habang may augmentation na 19,000 family food packs para naman sa Regions 1, 2, 3 Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at ilang bahagi ng Visayas Region.
Inabisuhan na rin daw nila ang kanilang mga regional office sa mga lugar na tumbok ng Superytphoon Mawar na magsagawa ng round the clock monitoring dahil inaasahan ang lakas ng ulan at hangin.
Sinabi pa ni Asec. Lopez na ngayon taon mayroong halos isang bilyong pondo ang DSWD para sa quick response fund.
Kalahating bilyon dito ay inilaan sa family food packs.
Samantala, sa ngayon ayon kay Asec. Lopez, bagama’t nakararanas na ng pag-ulan sa mga lugar na sentro ng Supertyphoon Mawar nanatiling manageable ang sitwasyon.