Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Office 1 na sapat ang bilang ng food at non-food items sa mga warehouse at preposition areas para sa mga apektadong indibidwal sa Ilocos Region dahil sa Bagyong Bising.
Nakahanda rin ang regional warehouse, tatlong satellite warehouse, at 18 prepositioning areas ng tanggapan para sa mabilis na distribusyon at pagresponde sa mga nangangailangan.
Nauna nang nakapagbigay ng food packs ang tanggapan sa 235 pamilya na apektado ng pagbaha sa Narvacan, Ilocos Sur.
Sa mga nagdaang araw, patuloy na nakaranas ang malaking bahagi ng rehiyon ng pag-uulan dahil sa umiiral na habagat na pinalakas ng bagyo.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang monitoring ng mga Provincial Disaster Reduction and Management Offices ng mga lalawigan sa pinakahuling sitwasyon sa mga lugar na maaaring bahain at makapagtala ng landslide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









