Sapat na Pagkain Para sa mga Pinoy, Isinusulong ng Isang Kilusan!

Cauayan City, Isabela- Dahil sa patuloy pa ring kahirapan na nararanasan ng bansang Pilipinas ay isinusulong pa rin ang Adbokasiya ng Save the Nation Movement upang makatulong sa paghupa sa kahirapan at pagdami ng populasyon dito sa bansa.

Ito ang ibvinahaging impormasyon ni Professor Butch Valdez ng Save the Nation Movement at Chairman ng La Rouche Philippines Society sa RMN Cauayan kaninang umaga.

Kanyang inihayag na isa sa kanilang mga adbokasiya ay ang Massive Food Production para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.


Aniya, ayaw umano nilang itulad at gawin ang mga naunang programang De-population ng ilang ekonomista at pilosopo sa ibang bansa na pinapatay ang kanilang kapwa upang mabawasan ang kanilang populasyon at maging sapat ang kanilang supply ng pagkain.

Ito rin umano ang kanilang palagay na kung mabawasan ang bilang ng tao sa kanilang bansa ay mas mapaparami pa ang kanilang pag-supply sa kanilang pagkain.

Subalit binatikos ito ni Professor Valdez dahil ipinapahamak lamang umano natin ang ating sariling bansa.

Sinisiguro naman ngayon ng kanilang kilusan na mailigtas ang ating bansa sa pamamagitan ng kanilang pagsulong sa kanilang mga hakbangin na magkaroon ng sapat na pagkain upang hindi magutom ang ating bansa.

Facebook Comments