Sapat na pondo at kapangyarihan, dapat prayoridad sa isinusulong na paglikha ng disaster agency

Iginiit ni House Deputy Speaker Ralph Recto ang pag-prayoridad sa pondo at kapangyarihan sakaling mabuo ang isinusulong na Department of Disaster Resilience (DDR) kapalit ng kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Paliwanag ni Recto, ang pagbubuo ng bagong ahensiya ay dapat higit pa sa pagpapalit ng pangalan o karatula.

Diin pa ni Recto, hindi rin nangangahulugan na kapag naitatag ang bagong disaster agency ay magiging isa na itong super agency.


Ayon kay Recto, sakaling maisabatas ang paglikha ng bagong disaster agency, ay dapat mapaglaanan ito ng sapat na pondo at sapat na mga tauhan para maging epektibo ang pagtupad nito sa tungkulin at pagtugon sa mga kalamidad.

Dagdag pa ni Recto, mapag-iibayo din ang kakayahan nito kung magkakaroon ito ng response infrastructure tulad ng fast seacraft na maaring magsilbing floating clinic, rescue headquarters, food pantry, floating power plant na may taglay na security personnel, electrical linemen, at medical personnel.

Facebook Comments