Sapat na pondo para maidepensa ang WPS, tiniyak ng Kamara

Tiniyak ng House of Representatives na malalaanan ng sapat na pondo ang pagpapalakas sa mga ahensyang may mandato na pangalagaan at idepensa ang West Philippine Sea.

Diin ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe, palaging sinusuportahan ng Kamara ang mga modernization program na nakasaad sa National Expenditure Program (NEP) na isinusumite ng Executive department.

Pangunahing binanggit ni Dalipe ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).


Ayon kay Dalipe, kung titingnan ang output ng Kamara ay palagi nilang dinadagdagan ang orihinal na pondong panukala para sa pagbili ng kagamitan at iba pang kailangan ng AFP, PCG, Philippine Navy, Department of National Defense gayundin ang Philippine National Police.

Inaasahan na isusumite ng Department of Budget and Management ang 2025 NEP sa Kongreso matapos ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo 22.

Facebook Comments