Sapat na pondo para sa mga maliliit na bansang pinakaapektado ng mga kalamidad at climate change, ipinanawagan ni PBBM sa harap ng international community

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang opisyal na pagbubukas ng 2024 Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk and Reduction (APMCDRR) sa PICC, Pasay City.

Sa kaniyang talumpati sa 2024 APMCDRR, nanawagan ang Pangulo sa harap ng iba’t ibang bansa ang pangangailangang i-angat ang pamumuhunan sa mga inisyatibo, programa, at polisiya na tutugon sa climate crisis.

Iginiit din nito ang pagkakaroon ng sapat na pondo, para sa pagpapatuloy ng disaster risk reduction ng buong mundo.


Ayon sa Pangulo, sa ganitong paraan ay mas mabibigyan ng access ang maliliit na bansa na palakasin ang kanilang kakayahan na sumabay at tumugon sa epekto ng climate change.

Makaaasa rin aniya ang global community na bilang isang bansang climate champion, at humaharap sa 20 bagyo at 500 lindol kada taon, isusulong ng Pilipinas ang inisyatibong ito sa pagho-host ng bansa sa Loss and Damage Fund.

Simula noong Lunes, tatagal hanggang sa Biyernes ang conference na dinaluhan ng nasa 3,000 participants mula sa 40 na mga bansa.

Kabibilangan ng foreign ministers, government officials, mga kinatawan ng pribadong sector, civil society, and vulnerable groups.

Facebook Comments