Tiniyak ni dating Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar na isusulong niya ang pagtatapos ng north-South Commuter Railway (NSCR) sakaling makapasok sa senado.
Ayon kay Eleazar, ang pagtatayo sa NSCR ang magtutulak sa pag-unlad ng mga rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, at iba pang mga karatig na lugar.
Kailangan aniya sa senado ng isang magbubusisi ng pondo at magsisiguro na matatapos ang proyekto nang walang nagiging korapsyon.
Ang NSCR ay may habang 147-kilometro at tumatagos sa 28 lungsod at bayan sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.
Kapag natapos na, inaasahang nasa isa’t kalahating oras na lamang ang itatagal ng biyahe mula Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga patungong Calamba, Laguna.
Ang proyektong ito ang itinuturing na pinakamalaking infrastracture project ng kasalukuyang administrasyon matapos paglaanan ng pondong aabot sa mahigit P873 billion.