Pinatitiyak ni Senator Pia Cayetano na may sapat na pondo para sa dagdag na teaching supplies allowance ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Sa pagtalakay sa Bill No. 1964, o ang proposed “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na layong itaas ang allowance ng mga guro mula P5,000 sa P10,000, iginiit ni Cayetano na hindi lamang approval ng batas ang kanilang dapat na bigyang atensyon kundi ang pagtiyak na may sapat na pondo para dito.
Ipinaalala ni Cayetano na ang dagdag allowance ay mangangahulugan ng mas malaking budget sa ilalim ng taunang General Appropriations Act.
Kapag napagtibay ang batas ay mahalagang masiguro ng mga senador na mayroon itong kaakibat na sapat na pondo upang hindi umasa sa wala ang mga guro.
Sinabi ni Cayetano na hindi ito dapat matulad sa ibang magagandang batas na ang adhikain ay mapabuti ang kalagayan ng mamamayan subalit hindi naipatupad nang maayos dahil sa huli ay wala palang pondo.