Sapat na pondo para tugunan ang pagkalat ng dengue, tiniyak ng Malakanyang

Tiniyak ng palasyo ng Malakanyang na may sapat na pondo ang Department of Health o DOH para sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ideklara ng DOH ang dengue bilang National Epidemic.

Kumbinsido ang Malakanyang na maayos na ginagampanan ng DOH ang kanilang mandato para masolusyunan ang patuloy na pagkalat ng dengue.


Sinabi pa ni Panelo na pinasisiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng natatamaan ng dengue ay nabibigyan ng kaukulang lunas.

Facebook Comments