May ₱2.2 billion pa na stockpiles at stand by funds ang Department of Social Welfare and Development o DSWD as of February 26 sa gitna na patuloy na pagtulong ng pamahalaan sa mga apektado ng magkakasunod na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay DSWD Assistant secretary Rommel Lopez, nasa ₱822 million ang quick response fund na available para sa central at regional offices ng DSWD.
Binanggit ni Lopez na mayroon pa silang mahigit 620,000 na family food packs na nagkakahalaga ng mahigit ₱425 billion.
Sabi ni Lopez, bukod pa dito ang hygiene kits, family kits, kitchen kits, at iba pang non-food items na nakapreposisyon na sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Samantala, inihayag naman ni Asec. Lopez na nasa mahigit 9.6 million na halaga ng tulong na ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng pag-ulan sa Regions VI, VII, VIII, IX, XI, XII, at sa CARAGA.