Pinatitiyak ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa Department of Energy (DOE) na may sapat na power supply sa summer lalo na sa gaganaping 2022 eleksyon.
Kamakailan kasi ay naglabas ng forecast ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng manipis na suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init bunsod ng pagtaas ng demand at ito ay maaaring makaapekto sa halalan sa May 2022.
Giit ni Nograles, kailangang kumilos ng ahensya at tiyaking maiiwasan ang anumang power outages lalo na sa eleksyon.
Hindi aniya dapat masasakripisyo ang kredibilidad ng halalan dahil lamang sa hindi maresolba ang problema sa brownouts.
Inirekomenda ng kongresista ang paggamit ng DOE ng renewable energy o solar power systems para matugunan ang kakulangan sa suplay ng kuryente.
Sakali namang kailanganin ng mga planta ng preventive maintenance, ito ay dapat maidulog na dapat sa DOE upang matiyak na hindi titigil ang power supply.