
Nakahanda na ang Department of Health (DOH) Northern at Central Luzon sa pagtama ng Bagyong Paolo sa Isabela o Northern Aurora ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag, siniguro ng DOH ang sapat na supply ng health commodities.
Tulad ng mga gamot gaya ng doxycycline, gamot sa ubo, lagnat at sipon.
Bukod dito, nakahanda na rin ang mga oral health care packages, malinis na inuming tubig, water containers; at hygiene kits.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng cold chain monitoring ang DOH para matiyak na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga bakuna.
Inaasahan ang pagresponde ng DOH sa mga evacuation centers sakaling kailanganing lumikas ng mga apektado ng Bagyong Paolo.
Facebook Comments









