Sapat na suplay ng gamot at health team, pinatitiyak ni PBBM sa DOH

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Health (DOH) na hindi mapapabayaan ang healthcare partikular na ang pangangailangan sa mga gamot ng mga biktima ng Super Typhoon Carina at habagat.

Sa ginanap na situation briefing, inatasan ni Pangulong Marcos ang DOH na tiyakin ang sapat na suplay ng gamot sa mga evacuation center tulad ng gamot para sa lagnat at maintenance medicines para sa mga matatanda.

Kailangan din aniyang kumuha ng mga doktor na magrereseta ng mga gamot at hindi lamang basta bibili at isusuplay na lamang sa mga evacuation center upang matiyak na tama ang maibibigay na gamot lalo sa mga senior citizen.


Binigyang diin ng Pangulo na dapat mayroong clinic sa mga nililikasang lugar o kahit man lang may umiikot na health team sa mga evacuation center.

Dagdag ni Pangulong Marcos, kahit mga barangay health workers muna ang mag-a-assess sa mga evacuees hanggang sa makarating ang doctor upang kahit papaano ay mayroong makapagbigay agad ng tulong.

Facebook Comments