Nagawa pa rin ng Philippine Fisheries Development Authority-Regional Fish Ports (PFDA-RFP) na makapag-unload ng 6,923.62 metric tons ng isda mula Oktubre 4 hanggang 10 sa kabila ng nagdaang Bagyong Maring.
May bahagya nga lamang na pagbaba sa suplay dahil sa masungit na karagatan.
Ayon sa ulat ng Operations Services Department (OSP) ng PFDA-RFP, sapat pa rin ang suplay ng isda na nai-deliver sa lahat ng daungan ng iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Bukod tanging ang PFDA-Sual Fish Port lang ang nag-iisang fish port na nakapagtala ng increase sa lingguhang unloading.
Base sa datos, nakapagbaba ito ng 145.60 metric tons o katumbas ng 0.36 porsyento na pagtaas.
Samantala, ang General Santos Fish Port Complex bagamat bumaba ang unloading, nakapag-ambag pa rin ito ng 3,048.58 metric tons ng fishery products.