Sinisiguro ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng karne ng baboy at itlog ang bansa.
Ito’y para sa nalalapit na Kapaskuhan kasabay ng pag-angat ng lokal na produksyon at nakatakdang importasyon ng karne.
Sa pahayag ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa, patuloy ang pork importations sa bansa ngayong ikaapat na kwarter ng taon alinsunod sa ginawang iskedyul ng Bureau of Animal Industry (BPI) noong nakaraang buwan.
Aniya, maraming lugar na tinamaan ng ASF (African Swine Fever) ang kumukonti na mula sa infected zone o red zone papunta sa pink zone habang ang buffer zone ay nasa hanggang yellow zone na.
Upang matugunan ang epekto ng ASF, ipinatupad ng DA ang “BABay ASF” program kung saan nagsasagawa ng pest control, prevention, biosecurity, at repopulation na mga inisyatibo ng ahensya.
Bukod dito, mayroon din sapat na itlog ang bansa para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko kaya’t walang nakikitang problema rito.