
Sa kabila ng mga malakas at biglaang pag-ulan, tiniyak ng Department of Energy (DoE) na may sapat na suplay ng kuryente sa bansa.
Ito’y kahit pa inaasahan ang 10 hanggang 18 bagyo na papasok sa Pilipinas bago matapos ang taong 2025.
Ayon sa Energy Department, sakali man na maapektuhan ang mga grid ay nakahanay na ang ilang proactive measure at contingency plan ng ahensiya para masigurong nagpapatuloy ang government energy efficient initiatives.
Target din ng ahensiya ang mas kakaunting power interruption kung kaya patuloy ang pakikipag-ugnayannila sa mga electric company sa bansa.
Sa huling forecast ng DOE, inaasahang aabot sa 14,769 megawatts ang demand sa Luzon, 3,111 megawatts sa Visayas at 2,789 megawatts sa Mindanao.
Facebook Comments









