Sapat na suplay ng mga oxygen tank sa bansa, tiniyak ng DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng mga oxygen tank sa bansa.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga variant ng COVID-19, partikular na ang Delta variant na malaki ang tiyansang makahawa.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, batay ito sa pakikipag-ugnayan nila sa mga manufacturer ng mga tangke ng oxygen sa bansa.


Dahil dito, binigyang-diin ni Castelo na walang dahilan para magtaas ng presyo sa kada tangke ng oxygen.

Batay sa umiiral na suggested retail price (SRP), ang kada 5 pounds ng oxygen tanks ay nagkakahalaga ng P2,456 hanggang P3,400.

Habang ang 15 pounds naman ay nagkakahalaga ng P4,030 hanggang P5,500.

Facebook Comments