Sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng ECQ, tiniyak na DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sapat na suplay ng pagkain sa buong Metro Manila.

Kasunod ito ng muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng buong National Capital Region (NCR) na magsisimula ngayong Biyernes, August 6 hanggang August 20.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sapat ang suplay ng pagkain sa buong NCR kaya hindi na kailangan pang mag-hourding ng publiko at lumabas pa ng bahay.


Muli namang nagpaalala si Lopez na tanging ang mga lalabas lamang ng bahay na kailangang bumili ng essentials ang papayagan oras na isailalim na sa ECQ ang NCR.

Facebook Comments