Sapat na suplay ng tubig, pinapatiyak ng isang senador sa panahon ng tagtuyot

Pinapadoble ni Committee on public services Chairperson Senator Grace Poe ang pagsisikap ng mga water concessionaire at mga ahensiya ng gobyerno na maibsan ang epekto ng tagtuyot sa suplay ng tubig sa bansa.

Giit ito ni Poe kasunod ng report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na isang banta sa suplay ng tubig sa National Capital Region (NCR) at katabing mga lalawigan.

Ang Angat Dam na Matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan ay pinanggagalingan ng mahigit 90% ng water requirement sa Metro Manila at ito rin pangunahing inaasahan para sa irigasyon ng mga lupang sakahan sa Bulacan at Pampanga.


Diin ni Poe, walang puwang ang pagiging kampante at kailangang magtulungan ang lahat para matugunan ang pangangailangan sa tubig ng publiko lalo na’t nasa gitna tayo ng posibilidad ng panibagong virus surge.

Umaasa si Poe na tutuparin ng mga water concessionaire ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng kanilang bagong prangkisa at revised concession agreement.

Ayon kay Poe, dapat kanilang tapusin ang mga proyekto para sa maaasahan at ligtas na suplay ng tubig.

Facebook Comments