Manila, Philippines – Isinulong ng Department of Energy (DOE) ang pagtatakda ng 25& na contingency reserve requirement para sa power generating companies.
Sabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi, layunin nitong maibigay sa mga consumer ang sapat na suplay ng kuryente sa tuwing tumataas ang demand; maiwasan ang power plant shutdowns at iba pang aberya.
Sa ginanap na Energy Investment Forum 2017, sinabi ni Cusi na kasalukuyan na nilang binubuo ang isang resiliency plan para sa sektor ng eherhiya para maibsan ang epekto ng mga natural na kalamidad.
Ipinunto pa ni Cusi na hindi lang ang kahalagahan ng energy security issues kundi maging ang pakinabang ng energy sector sa Public-Private Partnership o PPP.
Facebook Comments