
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na ibibigay ng pamahalaan ang sapat na suporta at dignidad na nararapat para sa mga kawal ng bansa.
Ayon sa Pangulo, may mga hakbang na nang naisagawa upang mapabuti ang kalagayan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang dito ang pagtaas ng base pay ng military at uniformed personnel, pati ang pag-angat ng kanilang daily subsistence allowance na ngayon ay ₱350.
Ani Marcos, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang kanyang paninindigan na alagaan ang kapakanan at igalang ang sakripisyo ng mga sundalo.
Muli ring iginiit ng Pangulo ang matibay na commitment ng kanyang administrasyon sa patuloy na modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Facebook Comments









