
Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian na may sapat na suporta ang mga guro sa pagpapatupad ng make-up classes para sa mga araw na hindi nakapasok ang mga estudyante dahil sa sunod-sunod na malakas na pag-ulan.
Ikinukunsidera ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng make-up classes para makabawi sa learning loss matapos magpatupad ng classes suspension dahil baha sa maraming lugar sa Metro Manila.
Giit ni Gatchalian, kung kailangan ang make-up classes para maka-recover ang mga estudyante sa mga aralin, hindi naman dapat pabigatan dito ang mga guro.
Kailangan aniya ng mga guro ng sapat na teaching materials, malinaw na guidance at proteksyon mula sa madadagdag na trabaho.
Binigyang-diin ng senador na hindi magtatagumpay ang learning recovery kung pagod ang mga guro at kapos pa sila sa suportang kagamitan na kinakailangan.









