Sapat na Tubig Ngayong Summer!

66

Baguio, Philippines – Summer na naman, maraming turista  ang darayo dito sa Baguio at dahil dito binabantayan ng Baguio Water District o BWD ang supply ng tubig sa buong syudad. 

 Sa pagpupulong ng “Ugnayan sa Environmental Code” sinabi ni BWD General Manager Salvador Royeca na sapat ang supply ng tubig ngayong Summer Season. 


Ang City Water District ay gumagawa na ng paraan tulad ng pagpapatayo ng mga deep well sa Tam-awan Village, T. Alonzo, Camp 8 at Tip-Top. 300 million pesos naman ang inilaan ng lokal na gobyerno para sa mga rehabilitation at maintainance ng BWD.

iDOL, okay ba ang tubig sa inyo?

Facebook Comments