SAPAT | NGCP, tiniyak ang sapat na supply ng kuryente ngayong taon

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sapat ang supply at reserba ng kuryente ngayong taon.

Ito’y sa kabila ng banta ni Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera na malawakang brownout kasunod ng suspensyon ng apat na commissioners ng ERC.

Ayon kay Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP, ginagawa nila ang lahat gaya ng pagtiyak na may reserbang kuryente para maiwasan ang brownout.


Sinabi pa ni Alabanza na bagaman naiintindihan nila kung saan nanggagaling ang pangamba ng ERC, ayaw muna nilang magbigay ng espikulasyon.

Ngayong 2018, inaasahan ng NGCP na maitatala ang all-time peak ng demand ng kuryente.

Facebook Comments