SAPAT | Presyo ng mga bilihin sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, stable at sufficient pa rin – DTI

Nananatiling sapat at stable ang presyo ng mga bilihin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, hindi nagbago ang Suggested Retail Price o SRP ng mga produkto.

Giit ni Lopez, ang dapat matiyak ngayon ang pananatili ng supply ng NFA rice na kailangan lang iparating sa mga pamilihan para mapanatili ang mababang presyo.


Kinausap na rin aniya nila ang samahan ng mga super market para makapagbenta na rin ng NFA rice.

Facebook Comments