Sapilitang pagbabakuna gamit ang mga COVID-19 vaccines na mayroon pa lamang EUA, komplikado – FDA

Dapat maging mas maingat kung gagawing mandatory ang pagtuturok ng mga bakunang mayroon pa lamang Emergency Use Authorization (EAU).

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, mas kumplikado kung gagawing sapilitan ang paggamit sa mga bakunang may EUA pa lamang.

Paliwanag niya, ang mga bakunang nasa EUA ay nananatili pa ring under development.


“Usually, mas careful po tayo kapag nasa EUA, kasi nga talagang under development pa p[o itong mga vaccines na ito at hindi pa natin nalalaman completely ang lahat ng maaari nating matutunan sa bakuna,” ani Domingo sa interview ng RMN Manila.

“Sa ngayon po, mayroong 8 bakuna under emergency use authorization na maaaring gamitin dito sa atin, pero wala pa pong nag-a-apply nung tinatawag nating Certificate of Product Registration kasi patapos pa lamang yung clinical trial ng mga bakuna,” dagdag niya.

Facebook Comments