Sapilitang paglilikas, ipinatutupad na sa ilang lugar sa QC

Ipinatutupad na ngayon ang force evacuation sa mga pamilyang nasa low-lying barangay sa lungsod ng Quezon.

Ito’y habang hindi pa nakakapasok sa Metro Manila si Bagyong Rolly.

May 75 pamilya na ang nailikas ng city government mula sa mga barangay na may peligro at kasalukuyan nang nasa mga evacuation centers.


Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga pamilya ay mula sa Barangay Bagong Silangan, Tatalon, Doña Imelda, Apolonio Samson at Barangay Roxas.

Nasa Red Alert Status na ang buong Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at hinihikayat ang publiko na mag-ingat sa posibleng epekto ng bagyo.

Facebook Comments